Ang Programang California Mortgage Relief ay hindi na tumatanggap ng bagong mga aplikasyon.
Ang mga naipadala nang mga aplikasyon ay ihahanda at ang mga gawad ay ipagkakaloob hanggang may nanatiling makukuhanan pa ng pondo.
Walang katiyakan na ang bawat karapat-dapat na aplikasyon ay mabibigyan ng pondo dahil maliit na ang natitirang pondo.
Para sa mga kaalaman tungkol sa isang aplikasyong naipadala na, mag log-in anumang oras sa inyong portal ng aplikasyon para malaman ang katayuan. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa California Mortgage Relief Program Lunes hanggang Biyernes, 8 a.m. hanggang 6 p.m. sa 1-888-840-2594.
Ang mga may-ari ng bahay na nangangailangan ng tulong sa mga bayarin sa pabahay at iba pang tulong ay makakakita ng malawak na saklaw ng mapagkukunan dito.
Mga Kategorya
Mga Kinakailangan para maging Kwalipikado sa Programa ng PACE
Mga Kailangang Dokumento
Pagpopondo
Mga Karaniwang Taong
Listahan ng mga Programa ng PACE
1-888-840-2594
8 AM - 6 PM PST
Mga Kinakailangan para maging Kwalipikado sa Referral Program ng PACE:
Para makilahok sa Referral Program ng PACE, ang mga may-ari ng bahay ay kailangang may opisyal na "Liham ng Referral sa PACE" mula sa California Mortgage Relief Program at/o mula sa isang legal, tulong sa pabahay, ahensya ng gobyerno o tagapangasiwa ng PACE. Kailangang isumite ang liham na ito kasama ng iyong aplikasyon para sa tulong.
Maaari kang maging karapat-dapat sa tulong kung ikaw ay nakakatugon sa mga sumusunod na pamantayan:
- Mayroon kang umiiral na (mga) utang sa PACE at humiling ng tulong sa pagbabayad mula sa isang legal, tulong sa pabahay, consumer advocacy group, o ahensya ng gobyerno
- Bill ng Buwis sa Ari-arian
- Ang (mga) utang sa PACE ay naitala sa iyong ari-arian bago ang Mayo 11, 2023
- Ikaw ay nakaranas ng isang paghihirap sa pananalapi nang pandemya ng COVID-19
- Ang iyong hawak na pera o mga bagay na may halaga ay hindi madaling ipalit sa pera (maliban ang mga ipon sa retirement account), ay di papantay sa o hihigit sa mga kaluwagang pondong kailangan + $20,000
- Ikaw ay nagmamay-ari at nakatira sa isang ari-arian (maaaring magkaroon nang hanggang apat na units)
- Ang iyong kita ay nasa o mas mababa sa 150% ng area median income (AMI) para sa iyong county, batay sa laki ng sambahayan (bisitahin ang CaMortgageRelief.org upang suriin ang limitasyon ng AMI para sa iyong county)
Mga Kailangang Dokumento
Ang mga kinakailangang dokumento ay naaayon sa natatanging kalagayan ng bawat aplikante. Maaaring kasama sa mga dokumentong kailangan ang:
- Dokumentasyon ng Kita
Statement ng Buwis sa Ari-arian (makukuha mula sa opisina ng tax collector ng county)
Maaari mong kunin ang dokumentong ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa opisina ng tax collector ng iyong lokal na county at paghiling ng kopya.
Kontrata sa Assessment ng PACE (makukuha mula sa iyong tagapangasiwa ng programa o ahensya ng lokal na pamahalaan)
Kadalasang ini-email ang mga dokumento ng utang sa PACE sa halip na ipadala sa pamamagitan ng regular na koreo. Kung gumagamit ka ng email, maaari kang maghanap ng mga mensahe na kasama ang pangalan ng iyong programa ng PACE (gaya ng HERO, California First o E3) o tagapangasiwa ng programa (tulad ng Renew Financial, Renovate America, Home Run Financing, PACE Funding Group, Fortifi, Energy Efficient Equity o Ygrene) at tingnan ang mga kalakip na dokumento. Kung alam mo ang pangalan ng tagapangasiwa ng programa na kasangkot sa iyong transaksyon sa utang sa PACE, maaari ka ring humiling ng kopya ng iyong mga dokumento sa utang mula sa kanila. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa ahensya ng lokal na pamahalaan kung saan nakipagsosyo ang iyong Tagapangasiwa ng PACE.
Notice ng Assessment ng PACE (makukuha mula sa opisina ng clerk-recorder ng county)
Maaari mong kunin ang dokumentong ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga record ng ari-arian ng iyong county upang makita kung naitala laban sa iyong ari-arian ang isang Notice ng Assessment. Tingnan ang website ng iyong clerk-recorder ng county o tumungo sa tanggapan ng clerk-recorder ng county.
Liham ng Referral ng PACE
Ang mga may-ari ng bahay na may mga utang sa PACE ay makakatanggap ng liham na ito mula sa California Mortgage Relief Program o mula sa isa sa Mga Partner ng PACE sa California Mortgage Relief Program. Dapat na i-upload sa aplikasyon ang liham na ito bilang isang kondisyon ng pagiging karapat-dapat.
- Kung kailangan ng karagdagang mga dokumento habang sinusuri ang iyong aplikasyon, makakatanggap ka ng email mula sa California Mortgage Relief Program.
Pagpopondo
Kapag napagtibay ang isang aplikasyon ng utang sa PACE, binabayaran ang mga pondo sa ahensya ng lokal na pamahalaan na kasangkot sa utang sa PACE. Hindi nagpapadala ng anumang mga pagbabayad nang direkta sa mga may-ari ng bahay ang California Mortgage Relief Program.
Ang proseso para sa pagpopondo ay dumadaloy sa sumusunod na paraan:
Mga Kailangang Dokumento
Tahasang ibibigay ang mga pondo sa ahensya ng lokal na pamahalaan na nagsilbing tagapagpahiram ng PACE. Ang mga may-ari ng bahay na nabigyan ng mga pondo ay makakatanggap ng tatlong abiso:
- Unang Abiso: Ipinapadala kapag naaprubahan ang aplikasyon
- Ika-2 Abiso: Ipinapadala kapag ang pagbabayad ng utang sa PACE ay ginawa ng California Mortgage Relief Program
- Ika-3 Abiso: Ipinapadala kapag nag-apply ng mga pondo para mabayaran ang utang sa PACE
Notice sa County
May pananagutan ang ahensya ng lokal na pamahalaan sa pagtatala ng isang notice sa opisina ng clerk-recorder ng county kapag nabayaran ang isang utang sa PACE at mananagot din sa pag-uutos sa naaangkop na opisina ng tax collector ng county na alisin ang assessment ng PACE mula sa bill ng buwis sa ari-arian.
Naitala ang Pagbabayad
Depende sa mga pamamaraan ng ahensya ng lokal na pamahalaan at mga timeline sa pagproseso ng county, maaaring tumagal ng ilang buwan bago ipakita ng mga opisyal na pampublikong record na nabayaran na ang utang sa PACE at na-discharge na ang lien ng PACE.
Sa ilang mga county kung saan ang mga bill sa buwis sa ari-arian ay ina-update lamang nang isa o dalawang beses sa isang taon, maaari ding tumagal ng ilang buwan o hanggang isang taon bago maalis ang assessment ng PACE mula sa bill sa buwis sa ari-arian.
Upang maiwasan ang mga multa at late fees, ang kabuuang halagang ipinapakita sa bill sa buwis sa ari-arian at/o mortgage statement ay dapat bayaran hanggang makita sa mga statement ang mga adjustment. Ang mga sobrang bayad na ginawa sa panahong ito ay ire-refund o iki-credit ng mortgage servicer o county pagkatapos gawin ang mga pagsasaayos.
Follow-Up ng May-ari ng Bahay
Kapag binayaran o nabayaran ang isang utang sa PACE sa pamamagitan ng California Mortgage Relief Program, maaaring tumagal ng hanggang isang taon bago maipakita ang bill sa buwis sa ari-arian ng may-ari at/o pagbabayad ng escrow. Upang maiwasan ang mga multa at late fees, ang kabuuang halagang ipinapakita sa bill sa buwis sa ari-arian at/o mortgage statement ay dapat bayaran hanggang makita sa mga statement ang mga adjustment. Ang mga sobrang bayad na ginawa sa panahong ito ay ire-refund o iki-credit ng mortgage servicer o county pagkatapos gawin ang mga pagsasaayos.
Mga Karaniwang Taong
Ano ang tulong sa utang sa PACE sa pamamagitan ng California Mortgage Relief Program?
Ang California Mortgage Relief Program ng estado ay nagbibigay ng mga gawad sa mga karapat-dapat na may-ari ng bahay upang makatulong na magbayad ng mga kwalipikadong utang sa PACE. Ang mga gawad ay tumutulong sa mga may-ari ng bahay na nakaranas ng kahirapan sa pananalapi na nauugnay sa COVID pagkatapos ng Enero 2020 at naitala sa county ang utang sa PACE bago ang Mayo 11, 2023. Ang tulong na ibinibigay sa pamamagitan ng programang ito ay hindi pautang at hindi kailangang bayaran. Para sa higit pang impormasyon, maaaring suriin ng mga may-ari ng bahay ang Term Sheet ng programa bilang naaprubahan ng U.S. Department of the Treasury: PACE Assistance Term Sheet sa www.CaMortgageRelief.org/PACE.
Ano ang pautang ng PACE?
Ang mga pautang ng PACE (Property Assessed Clean Energy), na kilala rin bilang PACE assessments, ay nagbibigay ng financing para sa mga pagpapabuti ng bahay na mahusay sa enerhiya. Kapag ang isang may-ari ng bahay ay kumuha ng isang utang sa PACE upang magbayad para sa isang proyekto sa pagpapahusay ng bahay, ang programa ng PACE ay naglalagay ng lien sa ari-arian ng may-ari ng bahay, at binabayaran ng may-ari ng bahay ang utang sa PACE sa pamamagitan ng karagdagang assessment sa kanilang bill ng buwis sa ari-arian.
Kapag ang mga may-ari ng bahay ay kumuha ng mga pautang sa PACE, karaniwang ipinapatupad ang mga transaksyon ng dalawang uri ng mga entity:
- ahensya ng lokal na pamahalaan na pormal na nagtatatag ng isang programa ng PACE sa hurisdiksyon ng isang may-ari ng bahay at pinangalanan sa mga kasunduan sa pautang ng PACE
- kumpanyang tinatawag na tagapangasiwa ng programa na nagsusulong at nangangasiwa ng programa sa mga may-ari ng bahay sa ngalan ng ahensya ng lokal na pamahalaan.
Paano malalaman ng mga may-ari ng bahay kung sino ang kanilang ahensya ng lokal na pamahalaan?
Ang ahensya ng lokal na pamahalaan ng PACE ay ang entity ng pamahalaan na pormal na nagtatatag ng programa ng PACE sa loob ng hurisdiksyon ng may-ari ng bahay. Kapag lumahok ang isang may-ari ng bahay sa isang programa ng PACE, papasok sila sa isang Kontrata sa Assessment ng PACE kasama ang ahensya ng lokal na pamahalaan na nagsilbing tagapagpahiram. Maaaring kilalanin ng isang may-ari ng bahay ang kanilang ahensya ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagtingin sa pangalan ng entity ng gobyerno sa kanilang Kontrata sa Assessment ng PACE.
Para sa listahan ng mga aktibo (kasalukuyang nag-e-enroll ng mga bagong pautang sa PACE) at hindi aktibong mga ahensya ng lokal na pamahalaan, mangyaring sumangguni sa column ng lokal na ahensya dito: https://www.treasurer.ca.gov/caeatfa/pace/participants.asp.
Paano malalaman ng mga may-ari ng bahay kung sino ang kanilang tagapangasiwa ng programa?
Ang tagapangasiwa ng programa ng PACE ay ang entity na nagtataguyod at nangangasiwa ng isang programa ng PACE sa ngalan ng isang ahensya ng lokal na pamahalaan. Ipinapaalam ng mga tagapangasiwa na ito ang mga programa ng PACE sa mga may-ari ng bahay, pinangangasiwaan ang network ng contractor ng pagpapabuti ng bahay, at pinoproseso at inaaprubahan ang mga aplikasyon ng pautang sa PACE.
Maaaring gamitin ang mga dokumento ng utang sa PACE upang matukoy ang tagapangasiwa ng programa. Para sa mga may-ari ng bahay na gumagamit ng email, maaari silang maghanap ng mga mensahe tungkol sa kanilang mga dokumento sa PACE kung nahihirapan silang matukoy ang kanilang tagapangasiwa.
Para sa isang listahan ng mga aktibo (kasalukuyang nag-e-enroll ng mga bagong pautang sa PACE) at hindi aktibong tagapangasiwa ng programa ng PACE mangyaring sumangguni sa column ng tagapangasiwa ng programa dito: https://www.treasurer.ca.gov/caeatfa/pace/participants.asp.
Paano ko malalaman kung mayroon akong utang sa PACE?
Para sa mga may-ari ng bahay na may utang sa PACE, itatala ito bilang isang lien laban sa ari-arian sa tanggapan ng clerk-recorder ng county kung saan matatagpuan ang ari-arian. Ang mga pagbabayad na dapat bayaran sa isang utang sa PACE ay lalabas bilang isang karagdagang item sa hanay ng assessment sa bill ng buwis sa ari-arian. Maaaring kumpirmahin ng mga may-ari ng bahay na mayroon silang utang sa PACE sa isa sa ilang paraan:
- Pagsusuri para sa isang natatanging item sa hanay ng assessment sa bill ng buwis sa ari-arian
- Pagrepaso sa anumang mga kasunduan o abiso na mayroon sila tungkol sa pagpopondo para sa mga proyekto sa pagpapaganda ng bahay sa ari-arian
- Pagsusuri sa tanggapan ng clerk-recorder ng county (kadalasang available online) para sa isang PACE lien sa ari-arian. Ang lokasyon ng opisina at kaalaman sa pakikipag-ugnayan ay matatagpuan
Kung hindi sigurado ang may-ari ng bahay kung mayroon silang utang sa PACE, mangyaring tawagan ang aming contact center sa (888) 840-2594 para sa tulong.
Maaari bang mabayaran ang mga may-ari ng bahay na nabayaran na ang kanilang utang sa PACE, ngunit nagkaroon din ng kahirapan sa COVID para sa pagbabayad ng utang sa PACE?
Hindi. Ang California Mortgage Relief Program ay makakapagbigay lamang ng tulong para sa natitirang balanse ng mga kasalukuyang utang sa PACE. Ang tulong ay hindi mapupunta sa pagsakop sa mga nakaraang pagbabayad na nagawa na o pagsasauli ng mga binayarang utang sa PACE.
Kailangan bang maging pabaya (nahuhuli) ang mga may-ari ng bahay sa kanilang mga pagbabayad ng buwis sa ari-arian o huli sa kanilang mga pagbabayad sa mortgage upang maging kwalipikado para sa tulong sa pautang ng PACE?
Hindi. Ang mga may-ari ng bahay ay hindi kailangang maging pabaya sa kanilang mga buwis sa ari-arian o mga pagbabayad ng mortgage upang maging kwalipikado para sa tulong sa pautang ng PACE. Maaaring maibigay ang tulong sa mga kwalipikadong aplikante na nakaranas ng kahirapan sa pananalapi na nauugnay sa COVID pagkatapos ng Enero 2020 at mayroon nang (mga) utang sa PACE na naitala laban sa kanilang ari-arian bago ang Mayo 11, 2023.
Ang California Mortgage Relief Program ay nagpapahintulot sa mga may-ari ng bahay na mag-apply para sa maraming uri ng tulong. Kahit na nakatanggap ka dati ng tulong mula sa Programa, maaari ka pa ring mag-apply para sa karagdagang tulong. Ang bawat karapat-dapat na sambahayan ay maaaring makatanggap ng pinakamataas na $80,000 sa kabuuang tulong.
Kung mayroon akong (mga) komersyal na utang sa PACE, maaari pa ba akong makatanggap ng tulong?
Ang programang ito ay para lamang sa mga karapat-dapat na aplikante na may residential na utang sa PACE. Ang mga karapat-dapat na uri ng ari-arian kung saan ang mga aplikante ay maaaring makatanggap ng tulong sa pautang ng PACE ay:
- Single-family (nakakabit o nakahiwalay) na ari-arian
- Mga condominium unit
- 1-4 unit na tinitirhan ng may-ari
- Mga Mobile Home na pangmatagalang nakakabit sa real property at binubuwisan bilang real estate
Magkano ang tulong pinansyal na matatanggap ko?
Ang pagpopondo para sa mga utang sa PACE ay magagamit upang masakop ang ilan o lahat ng natitirang halagang dapat bayaran sa (mga) utang ng isang karapat-dapat na may-ari ng bahay, hanggang $80,000. Ang mga karapat-dapat na may-ari ng bahay na may natitirang balanse sa kanilang (mga) utang sa PACE na mas mataas sa $80,000 ay maaaring makatanggap ng bahagyang bayad sa (mga) utang upang bawasan ang halagang dapat bayaran.
Kung ang utang sa PACE ng isang may-ari ng bahay ay binayaran sa pamamagitan ng kanilang mortgage escrow o impound account, paano nila malalaman na nabayaran na ang utang sa PACE?
Pagkatapos mabayaran ang isang utang sa PACE, dapat hilingin ng mga may-ari ng bahay sa kanilang mortgage servicer na isaayos ang kanilang bayad sa escrow. Gayunpaman, ang prosesong ito ay magdedepende kung kailan ina-update ng bawat county ang mga bill nito sa buwis sa ari-arian, kaya maaaring may mga pagkaantala ng ilang buwan o hanggang isang taon sa pagsasaayos ng bayad sa escrow at ang utang sa PACE ay lumalabas bilang na-clear sa bill ng buwis sa ari-arian.
Listahan ng mga Programa ng PACE
Para sa kumpletong listahan ng mga programa ng PACE bisitahin ang https://www.treasurer.ca.gov/caeatfa/pace/participants.asp.
Pinondohan sa pamamagitan ng Homeowners Assistance Fund ng American Rescue Plan Act ng 2021, ang California Mortgage Relief Program ay pinamamahalaan ng CalHFA Homeowner Relief Corporation.
Ang mga kaalaman sa pagiging karapat-dapat at tungkol sa programa ay matatagpuan sa PACE Term Sheet.