Ano ang Programa ng California sa Tulong sa Utang sa Pabahay?
Ang Programa ng California sa Tulong sa Utang sa Pabahay ay gumagamit ng pederal na mga Pondo ng Tulong para sa mga May-ari ng Bahay upang tulungan ang mga may-ari ng bahay na makahabol sa kanilang mga pagbabayad sa pabahay. Ang programa ay ganap na libre at ang mga pondo ay hindi kailangang bayaran.
Ang Programa ng California sa Tulong sa Bayad sa Bahay ay bahagi ng Ang Pabahay ay Susi na inisyatibo ng estado.

Suriin ang Mga Kinakailangan sa Kita
Upang malaman kung maaari mong matugunan ang mga kinakailangan sa kita, ilagay ang iyong impormasyon sa ibaba.
County
Mga tao sa Sambahayan
Kung ang kita ng sambahayan ng aplikante ay nasa o mas mababa sa halagang ito, maaari silang maging karapat-dapat para sa California Mortgage Relief Program.
Mga Kinakailangan sa Pagiging Karapat-dapat
Ang programa ay bukas sa lahat ng mga karapat-dapat na mga taga-California na kasalukuyang nakakaranas ng mga paghihirap na nauugnay sa pandemya at atrasado sa kanilang mga pagbabayad sa pabahay.
Dapat matugunan ng mga aplikante ang LAHAT ng sumusunod na pamantayan:
Ang kita ng sambahayan sa o mas mababa sa 100% ng Karaniwang Kita sa Lugar ng kanilang county;
Hindi nakapagbayad ng hindi bababa sa dalawang pagbabayad sa utang sa bahay bago mag-Disyembre 27, 2021;
Ang halaga ng nakalipas na di nabayaran dapat ay $80,000 o mas mababa sa oras ng pagbigay ng aplikasyon.
Nagmamay-ari ng tiragahang pang-isang pamilya, kondo o permanenteng bahay na binuo sa pabrika; at
Nahaharap sa isang kahirapan sa pananalapi na nauugnay sa pandemya pagkatapos ng Enero 21, 2020
Mahahanap mo ang higit pang impormasyon tungkol sa pagiging karapat-dapat sa camortgagerelief.org/who-is-eligible.
Paano mag-aplay
Kung sa tingin mo ay maaaring karapat-dapat ka para sa programa, mag-klik dito upang suriin ang iyong pagiging karapat-dapat at mag-aplay.
Kung kailangan mo ng tulong sa iyong aplikasyon o may may tanong tungkol sa iyong pagiging karapat-dapat, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong taga-serbisyo ng utang sa pabahay o isang tagapayo na sertipikado ng HUD sa 1-800-569-4287.
Kung atrasado ka sa bayad sa iyong utang sa pabahay, huwag mag-alala!
Kahit na nagsimula na ang proseso ng pagreremata, kadalasan ay maaaring tumagal ng ilang buwan bago maremata ang iyong tahanan. Maaaring may oras ka pa para humingi ng tulong.
Upang matuto nang higit pa tungkol sa proseso ng pagreremata, bisitahin ang website ng Pabahay ay Susi ng California.


